Martes, Oktubre 11, 2011

Alamat ng mother board


Noong unang panahon sa isang liblib na lugar sa kaharian ng barbania may isang pamilya ang tahimik at masayang namumuhay sa gitna ng kagubatan na sakop ng kaharian ng barbania. Masaya at payak ang kanilang pamumuhay ng mag asawang mang lando at aling linda kasama ang kanilang walong anak. Ang pangay nila anak ay lalaki at nagngangalang Simon. Ang pangalawa naman nilang anak at babae at nagngangalang Daria. Halos dalawang taon lamang ang pagitan nila Simon at Daria. Ang sumunod naman kay Daria ay ang Kambal na Daniel at Dennis.Tatlong taon naman ang pagitan ni Daria sa kambal. Makalipas ang apat na taon sumunod namang ipinaganak si Joseph. Makalipas ang isang taon ipinganak naman ang triplets na sina Tea,Bea, at Lea. Bagamat marami ang ank ng mag-asawahindi naman naging mahirap ang kanilang pamumuhay. Si Mang lando ay may sariling sakahan at si Aling Linda naman ay naghahabi ng mga mamahaling tela para sa mga damit ng hari at reyna ng Barbania. May mga alaga din silang mha hayop.Bukod dito nasanay na ang mga anak ng mag-asawa na di magtrabaho at umasa na lamang sa kanilang magulang.Kaya walang alam na trabaho ang mga anak nila Mang Lando at Aling Linda. Lagi lang ang mag-asawa ang nagtratrabaho para sa kanila kahit nasa hustong gulang na ang iba pa nilang mga anak.
Kahit na matanda na ang mag-asawa ay tuloy pa rin ang kanilang pagtratrabaho.Hanggang sa dumating araw na nagkasakit si Mang Lando at hindi nagtagal ay binawian ito ng buhay. Kahit na namatay ang kanilang ama ay di parin nagtrabaho ang mga magkakapatid at tuloy pa rin ang pag-asa nila sa kanilang ina na nag-iisang naghahanap buhay para sa kanila.Hindi na rin nila natataniman ang kanilang sakahan kaya pinasya na lamang ni Aling Linda na ibenta ang lupain maging ang kanilang Bahay at lumipat sa Kabayanan upang maging masmalapit ito sa kanyang trabaho. Pero kahit na nakalipat na sila ay hindi pa rin nag-tratrabaho ang magkakapatid. Noon din any subsob sa trabaho si Aling linda dahil magisa lamang siyang naghahanap buhay sa kanila. Halos pinaguusapan na rin sila sa baryo dahil sa hindi nagtratrabaho ang mga ito kahit nasa hustongt gulang naNgunit hindi nila pinapansin ang mga ito.Hanggang sa dumating na ang araw na pati si Aling Linda ay nagkasakit na rin. Hindi alam ng magkakapatid kung paano nila aalagaan si aling Linda. Ni-hindi  nila alam kung paano mag-ayos ng bahay. Hanggang sa naubos na ang lahat ng perang kanilang naitatabi,hindi na rin nilang magawang dalin sa Doktor si Aling Linda dahil sa kawalan nila ng pera. Binibigyan na lamang sila ng mga kapit-bahay nila.Nalaman ng hari ang nangyari kay aling linda,dahil isa ito sa mga paboritong manghahabi ng hari. Kaya agad na nagpadala ang hari ng Doktor sa tirahan nila Aling Linda at nagpadala na rin sila ng mga pagkain para kay Aling linda. Hindi nagtagal ay naubos na rin ang mga pagkaing binigay ng hari. Kaya pinasya ni Simon,panganak na anak ni Aling Linda na magtrabaho pumasok siya bilang kargador sa palasyo.Ngunit hindi nagtagal ay  umalis na siya sa trabaho dahil sa sobrang bigat ng trabahong ito. Sumunod namang nagtrabaho si Daria, ang panglawang anak nila Aling Linda.Namasukan siya bilang katulong sa palasyo, at di din nagtagal ay umayaw na siya sa pagtratrabaho dahil sa sobrang hirap. Halos lugbok na sa kahirapang ang kanilang pamilya. Napagdisisyonan ng kambal na sila naman ang magtrabaho. Namasukan silang sa isang malaking kainan sa bayan. Si Daniel bilang taga-dala ng pagkain sa mga kostomer at si Dennis naman bilang tagahugas ng mga pingan. Ngunit pinaalis sila ng may ari dahil si dennis ay madaming nabasag na plato saman talang si Dqaniel naman ay madaming naitapong pagkain.
Bagamat kulang pa ang kanilang sweldo pangbayad sa mga nasira at nasayang nila binigay pa rin ito ng may ari dahil sa awa nito sa magkakapatid. Matapos nito ay halos wala nang makain ang magkakapatid. Pinasya ni Joseph na maghanap ng trabaho ngunit wala siyang mahanap na trabaho dahil hindi sapat ang kanyang mga kakayahan para sa trabahong gusto niya. Ang triplets naman ay wala pa sa hustong gulang para magtrabaho.Kaya patuloy ang paghihirap nila. Wala namang magawa ang hari dahil ganawa na niya ang lahat ng posibleng paraan ngunit ang mga anak lamang ni aling Linda ang hindi tumatangap ng mga tulong na ginagawa ng hari. Sinabi ng hari na walang pag-asang mamuhay ang mga mag-kakapatid kung patuloy silang aasa sa kanilang ina.Gayundin ang mga sinabi ng mga tao at ang kanilang mga kapit bahay. Isang araw hindi na nakita ng mga tao ang magkakapatid maging si Aling Linda. Natagpuan na lamang nila ang isang hindi malamang bagay na animo’y isang makinarya na ginagamit sa isang Bagay. Ang Makinarayang ito ay naghahawak ng mga importanteng bagay na di niya kayang bitawan.Gaya ng isang ina sa kanyang mga anak. Inihalintulad nila ito kay Aling Linda at sa kanyang walong anak na kahit hirap na hirap na si aling Linda ay di niya binitiwan ang kanyang mga anak.Tinawag nila ito Mother Board nasiyang humahawak sa lahat ng importanteng bagay sa isang makinarya.Ito ay ang alamat ng mother board na siyang humahawak sa lahat ng impotanteng bahay sa isang Computer.

Eternity: Musika ng Buhay..(maikling kwento)

         May mag-kaibigan na parehong mahilig sa musika. Ang kanilang pangalan ay Nick at Quinne.Si Nick ay marunong tumugtog ng piano siya din ay tumutugtog sa kanilang paaralan. Si Quinne naman ay isang Choir sa kanilang paaralan. Lagi silang tinutukso sa kanilang paaralan dahil hindi sila naghihiwalay san man sila mag-punta. Isang araw sa Music room ng kanilang paaralan ay tumutugtog ng malungkot na musika si Nick habang si Quinne naman ay tahimik na nakikinig sa kanya.Matapos tumugtok ni Nick tinanong ni Quinne kung bakit malungkot ang musikang tinugtog niya.Ngunit hindi ito sinagot ni Nick.

Isang araw sinugod sa Ospital si Nick dahil sa kanyang sakit na Cancer. Si Quinne naman ay hindi makapag concenrate sa kanyang klase sa pag-aalala kay Nick. Matapos ang klase dali-daling pumunta si Quinne sa Ospital upang bisitahin si Nick. Natuwa si Nick ng makita niya si Quinne. Nag kwentohan ang dalawa na wari'y mo'y kay tagal na di nagkita. Masayang masaya ang dalawa ng biglang pumasok ang Doktor sa silid. Sinabi nito ang resulta sa mga ginawang pagsusuri kay Nick. At binilinan nito si Nick na mas makabubuti sa kanya kung magpapahinga siya ng matagal at manatili siya sa Ospital upang mas maobserbahan siya ng
mabiti ng mga Doktor at ng mga Nurse.

Ngunit Hindi pumayag si Nick na manatili sa Ospital kaya pinilit niya ang kanyang mgamagulang na ilabas siya sa Ospital ngunit hindi pumayag ang kanyang mga magulang. Kaya nanatili pa rin siya sa Ospital. Araw araw naman siyang binibisita ni Quinne pagkatapos ng kanyang klase ay dumidirecho na kagad siya sa Ospital upang dalawin si Nick. Isang araw sa kagustuhan ni Nick na makalabas ay tumakas siya sa Ospital at namasyal. Habang namamasyal siya ay nakakita siya ng isang Music Studio at nagpunta siya dito at tumugtog ng piano. Matapos niyang tumugtog ay napagdisisyonan niyang pumunta sa kanilang paaralan upang
surpresahin si Quinne. Habang nasa daan siya bigla nalang nanikip ang dibdib niya at nawala
ng malay sa daan. Mabilis namang siyang sinugod sa ospital ng mga taong nakakita sa kanya. Nalaman ito ng mga magulang ni Nick at ni Quinne. Mabilis silang sumugod sa Ospital na pinagdalan kay Nick ngunit binawian na ng buhay si Nick. Walang nagawa ang kanyang mga magulang kundi ang umiyak. Si Quinne naman ay hindi makapaniwalang wala na ang kanyang pinaka matalik na kaibigan. mahigit 15 years na magkakilala si Nick at Quinne nasa Kinder Garden palang sila ay magkaibigan na sila dahil mag kasosyo sa kompanya ang kanilang mga pamilya. Kaya ganun nalang ang sakit na nararamdaman ni Quinne nang malamang wala na si Nick. Hindi siya tumugil sa pagiyak at nagsisisi siyang hindi niya sinabi na mahal na mahal niya ito higit pa sa magkaibigan.

Makalipas ang tatlong taon. Pumasok si Quinne sa isang sikat na Unibersidad sa Manila at kumukuha siya ng kursong na Business Management dahil ito ang gusto ng kanyang mga magulang na kuning kurso dahil siya ang magiging tagapagmana ng kanilang kompanya. Sa unang araw ng kanyang klase ay hindi madali para kay Quinne dahil hindi niya kabisado ang paaralan at bukod dito ay napakalaki pa nito. Wala din siyang ganung kilala. Makalipas ang ilang araw ay madami na rin siyang nakilala at naging kaibigan. Isa na rito si Sam. Si Sam ay kanyang kaklase, tulad niya kinukuha lang din ni Sam ang Business Management dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Mas lalo pang nagkalapit sina Sam at Quinne ng pareho silang sumali sa Music Club sa kanilang Unibersidad. At lalong naging interesado si Quinne kay Sam ng malaman niyang tumutugtog ng piano si Sam. Madaling napalagay ang loob ni Quinne kay Sam dahil pareho ng ugali at hilig sina Sam at Nick. Si Sam naman ay nahuhulog na ang loob kay Quinne dahil sa pagiging maalaga at malambing nito at sa pagiging totong tao nito at dahil na rin sa magandang boses nito. Habang tumatagal ang pagsasama ng dalawa lalong nahuhulog ang loob nila sa isa't isa ngunit hindi nila ito sinasabi sa isa't isa dahil natatakot silang baka mag-iwasan sila kung malalaman nila ang totoo nararamdaman nila sa isa't isa.

Araw ng lingo ay nag-simba si Quinne, matapos ang misa ay pumunta si Quinne sa simenteryo kung san  nakalibing si Nick. Nagkwento si Quinne sa harap ng puntod ni Nick na para kinakausap niya si Nick na buhay. Nagkwento si Quinne tungkol sa mga nangyayari sa kanyang buhay at sa kanyang paaralan. Gayun din
ang tungkol kay Sam at ng nararamdaman niya para dito. Araw ng Lunes balik eskwela na sila exited pareho
sina Sam at Quinne na makita ang isa't isa. Mabang papasok may naka paskil sa Bullitin Board ng Music Club na may Contest silang sasalihan at magkakaroong meeting lahat ng myembro nito. Ang pagtatanghal na kanilang gagawin ay pagbibidahan ng dalawang tao at ang iba ay magiging back-up singers. Sa meeting, napagdisyonan ng buong grupo na si Sam at Quinne ang magiging bida sa palabas. Araw-araw silang ng pra-praktis para sa kompetisyon. Kahit na abala sa paghahanda hindi pa rin pinapabayaan nila Sam at Quinne ang kanilang pag-aaral. 

Araw ng kompetisyo lahat ay kinakabahan lalo na si Quinne. Napansin ni Sam na tila di mapakli at kinakabahan si Quinne kaya nilapitan niya ito at sinabing nasa tabi lang siya nito. Dahil dito ay nabawasa ang kabang nararamdamang kaba  ni Quinne. Tinawag na ang kanilang grupo at nagtanghal na din sila. Matapos nito ay sinabi ang mga nanalo bagamat hindi sila ang nanalo at pumangalawa lamang sila ay tuwang tuwa ang buong grupo lalo na sina Quinne at Sam dahil naging maayos at maganda ang kanilang pagtatanghal. Matapos ang kanilang pagtatanghal ay sabay na umuwi sina Sam at Quinne nang nasa tapat na ng gate sina Sam at Quinne ay nagtapat si Sam kay Quinne ng tunay niyang nararamdaman para dito. Sa sobrang gulat ni Quinne ay hindi ito nakasagot kay Sam. "Ok lang kung ayaw mo sakin di mo kailangang piliting mahalin ako" sabi ni Sam kay Quinne na gulat na gulat pa rin. umalis ng malungkot si Sam.

Pumasok si Quinne sa bahay nila at dumerecho sa kwarto niya di pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ni Sam. Habang nakahiga sa kanyang kama ay tila may kumatok sa pinto niya nagulat siya at natakot dahil alam niyang siya na lang ang gising sa bahay nila. Natatakot man ay binuksan niya ang pinto ng kanyng silid at nakitang wala namng tao sa labas at lalong bumilis ang libok ng puso niya ng makita niya si Nick na nakaupo sa kama niya at nakatitig sa kanya. Di siya makapag salita sa nakita niya. Biglang nagsalita si Nick at sinabing "Hindi mo kailangang ipako ang sarili mo sa iyong nakaraan kailanagn mong harapin ang kasalukuyan". Natatakot man ay nagsalita na rin si Quinne. "Nagbalik ka alam mo bang ang dami kong gustong sabihin sayo pero iniwan mo kagad ako". "Alam ko ang nararamdaman mo Quinne pero ito ang naka-tadhana para satin" sagot ni Nick. "I love you ang taging nasambit ni Quinne habang lumuluha at nakatitig kay Nick. "Mahal din kita Quinne di mo lang alam una palang kitang nakita minahal na kita at pingako ko sa sarili ko na wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang" sagot ni Nick. Muling lumuha si Quinne sa mga narinig niya. "Kailangan mong tangapin na wala na ako at mamuhay ng masaya kahit na wala ako sa tabi mo, ituloy mo ang buhay mo at maging masaya" sabi ni Nick. Lumapit si Quinne kay Nick at niyakap ito. Habang magkayakap at unti unting nawawala ni Nick. Muling lumuha si Quinne at ipinagako niyang magiging masaya siya kahit anu pa man ang magyari.

Kinabukasan ay pumasok si Quinne sa Paaralan at pansin niya ay pagiwas ni Sam sa kanya. kaya napagpasyahan niyang kausapin ito pagkatapos ng klase nila. Sa garden ay muling nag usap sina Quinne at Sam. Hindi makatingin ng direcho si Sam kay Quinne at halatang nahihiya ito. Nagtapat si Quinne kay Sam ng tunay niyang nararamdaman para dito. Tuwang tuwa si Sam at halo di makapaniwalang girlfriend na niya si Quinee. Pinagsigawan niya ito sa buong paaralan,naging masaya ang mga kaklase nila gayun din ang mga kasama nila sa Music Club. Ilang taon ang dumaan lalong tumatag ang relasyon nila Sam at Quinne. Isang gabi ay sabay na silang umuwi galing sa Practise sa music club nadaan sila sa isang park, naupo sila sa isang bench at pinagmasdan at buwan. "Masaya ako at tumagal tayo nang ganto" sabi ni Quinee. "Salamat at di ka nagsawang mahalin ako" sabi ni Sam. Napangiti lang si Quinne. Habang nakatingin sa buwan biglang nagsalita si Sam, "Quinne may ipagtatapat ako sa iyo"sabi ni Sam. "Mukhang seryoso ka! bakit ano ba un? pabirong sagot ni Quinne kay Sam. "Ako si Nick ang namatay mong kaibigan at minahal mo" sbi ni Sam. Biglang nagbago ang emosyon ni Quinne, ang ngiti niya ang biglang nagbago at naging seryosong mukha.  "Di magandang biro yan Sam" seryosong sagot ni Quinne kay Sam. Habang nakatingin lang sa lagit si Sam at seryoso din ang mukha. "Hindi ako nagbibiro Quinne ako talaga to ako si Nick". Nakatulala at nakatingin ng seryoso si Quinne kay Sam. "Pero,Paano?" Sagot ni Quinne". Nagmakaawa ako kay Lord na ibalik nya ko dahil di ko kayang mahiwalay sayo at pumayag siya na makakabalik ako pero sa ibang katauhan na lamang" Lumuluha si Quinne habang nakikinig kay Sam na noon pa lamang ay si Nick na pala." Binigyan nya lamang ako ng tatlong taon para makasama ka "sabi ni Sam. Lumuluha pa rin si Quinne habang nakikinig at di pa rin makapaniwalang si Nick at Sam ay iisa pala. Lalong tumibay ang pagmamahalan nila Sam at Quinne matapos
ang gabing iyon. 

Naging masaya sila sa bawat araw na nagdaan. Hindi na namalayan ni Sam na mayroon na lamang siyang 10 araw para makasama si Quinne. Isa sa binigay na kudisyon sa kanya na bibigyan lamang siya ng 3 taon upang makasama si Quinne. Habang dumadaan ang mga araw naging masaya ang dalawa hangang sa naging 3 araw na lang ang natitira para kay Sam upang makasama si Quinne. Sa nalalabing 1 araw napagdesyonan silang pumunta sa isang resort upang magbakasyon. Lingid sa kaalaman ni Sam iyon na ang huling araw na ibinigay sa kanya upang makasama si Quinne at kailangan na niyang bumalik sa langit. Napansin ng panginoon ang labis na pagmamahalan nila Sam at Quinne na kahit kamatayan ay tatakasan magkasama lang silang muli. Habang nasa biyahe papunta sa resort ay masayang masaya sina Sam at Quinne habang nag kakantahan. Di nila nakita ang isang 10-wheeler truck na nawalan ng preno at babangga sa kanila. Huli na ng mailiko nila ito. Bumanga sila sa truck at wala sa kanilang dalawa ang nakaligtas.


The End...





Biyernes, Oktubre 7, 2011

C.I.C.T. Days..

           Ika-24 ng Agosto ang simula ng C.I.C.T. days. Ito ay tatlong araw na nakalaan para lamang samga mag-aaral ng College of Information and Communication Technology (C.I.C.T.) ng BulSu. Ang layunin ng mga araw na ito ay makapag-aliw mapamalas ng mg C.I.C.T. ang kanilang galing sa larangan ng Sports at iba pang mga patimpalak na tungkol sa kurso nila.At mapag-lapit ang loob ng mga Guro at mga Istudyante.


           Umaga ng Ika-24 ng Agosto ay naruon na ang aming buong klase. Tumulong kami sa mga paghahandang gagawin para sa araw na iyon. Mga mga lalaki na kaklase namin ay tumulong sa pagbubuhat ng mga music system na gagamitin.Kami namang mga babae ay tumulong sa pagaayos ng stage.


           Sa Ganap na alas-3 ng hapon ay simulan na ang programa sa pagparada ng mga istudyanteng lumahok sa iba't ibang kompetisyon na nakatakdang ganapin sa araw na iyon.Ang mga kompetisyon na iyon ay labanan ng mga cosplayer at mga muse. At nung araw ding iyon sinimulan ang parada sa 3rd gate ng Universidad hanggang sa Activity center.


           May mga nag "Cosplay" at may mga Sumali ring mga babae bilang mga "Muse". Kasali ang aming kaklase na si Rhianne Lozano sa mga "Muse". Buong suporta ang binigay ng aming klase sa kanya. Ngunit hindi siya nanalo. Kinabukasan ay nanuod naman kami ng mga laro.Tulad ng Basket Ball.Kasali rin sa larong iyon ang ilan sa mga kaklase naming lalaki.Araw ng Biyernes ay sumali ang kamag-aral naming sina Jay-Ar at FitzGerals sa Networking Competition.Sila ay isa sa mga nanalo.Nag-2nd Place sila sa kompetisyon na iyon.Araw ng Sabado ng ipakilala ang mga nanalo sa mga naging kompetisyon at ibigay ang mga premyo ng mga nanalo.


           Naging masaya ang tatlong araw na ito para sa akin bagamat wala akong sinalihan na kompetisyon, naging masaya ako sa pagsuporta sa mga taong kakilala ko at mas lalo ko pang nakilala ang mga kaklase ko at kung anu ano ang kanilang mga hilig. Hindi ko ito malilimutan at sana ay muling ma-ulit ang mga araw na ito.


Tula para sa aking kaibigan

Sa bawat sandali ng ating buhay,
May mga tao tayong taong nakikilala.
Iba't ibang ugali,Iba't ibang katangian
May mga nakakasundo,mayroon ding hindi

Pero noong una tayong nagkakilala
Sa apat na sulok ng ating silid aralan,
Di sinasadyang nagkatabi sa upuan,
At nagkakwentuhan na matagal.

Kahit na ito ang una nating pagkikita
At ito rin ang una nating pag-uusap,
Bakit bawat salitang sabihin mo ay aking
pinakikingan kahit na minsan ay kakornihan.

Sa bawat mga araw na nagdadaan,
Lalong gumagaan ang aking loob sa iyo.
Sa kwentohan at tawanang ating pinagsaluhan,
Lalong nagkakalapit ang atin loob.

Halos hindi mapag-hiwalay sa isa't isa,
Laging magkasama san man magpunta.
Magkaramay sa lahat pagsubok at problema,
Nakahandang dumamay sa isat't isa

Labis akong nagpapasalamat sa poong may kapal,
Dahil ako ay biniyayaan ng isang kaibigan.
Isang mabait,mabuti at isang tunay na kaibigan
Salamat sa iyo aking matalik na kaibigan.


Ang Kwento ng Aking Buhay..

         Ang aking pangalan ay Donalyn Santos Gatdula. Anak nina Domingo Gatdula at Rosalina Gatdula. Ako ay 18 taong gula,at isinilang noong ika-18 Hulyo, 1993 sa lungson ng Malolos Bulacan. Nakatira sa 214B Umboy St.,San Gabriel, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ikalawa sa tatlong magkakapatid. Ang panganay sa aming magkakapatid ay lalaki, at ang pangalan niya ay Sandy Gatdula siya ay 21 taong gulang at ang bunso naman ay babae at ang kanyang pangalan ay Lovelie Gatdula 14 taong gulang.Pangarap kong makatapos ng pag-aaral at malibot ang buong mundo kasama ang aking pamilya. 

         Nang ako ay apat na taon, ako ay nagumpisa na sa aking pag-aaral sa University of Regina Carmeli noong 1997 bilang isang kinder garden. Masyado pa akong bata ng ako ay magsimulang magaral. Ngunit hindi naging problema ito sa aking pag-aaral.

         Taong 1999 na ako ay umapak sa unang antas ng pag-aaral sa elementarya. May mga patimpalak din ako nasalihan noong ako ay elementarya. Maraming naging kaibigan, Marami din naging kaaway. Ngunit nagkakabati din naman sa bandang huli.Taong 2005 ng ako ay makatapos ng elemtarya.

        Taong 2005 nang ako ay mag-aral ng sekondarya sa Marcelo H. del Pilar National High School.Marami din akong nging maga kaibigan dito. Nang ako ay nasa ikatlong taon sa pag-aaral ng High School ako at iba ko pang mga kaskwela ay nadala sa guadedance dahil hindi pumasok kami sa isa naming Subject ng naka-pangP.E..Ngunit pinagbigyan kami kung magdadala kami ng sulat na may pirma ng magulang kasama ang kanilang ID . At ng nasa ika-apat na taon naman, Ako ay sumali sa C.A.T.,marami masayang karanasan dito at maraming lugar na napuntahan at nakilala dahil dito. Ako din ay naging myembro ng Red Cross Youth Organization sa aming Swelahan. Taong 2009 nang ako ay makatapos ng High School.

       Taong 2009 ng ako ay mag-aral ng Kolehiyo. Ako ay Nakapagtapos ng dalawang taon sa aking kursong Bachelor in Industrial Major in Computer Technology .At akin itong ipinagpatuloy ng dalawa pang taon. Ngunit bago ako makapag-tuloy ng dalawa pang taon sa aking pag-aaral kinailangan ko muna kumuha ng pag-susulit. Hindi naging madali ang prosesong ito dahil maraming mga mag-aaral ang aking nakasabay kumuha ng pagsusulit lahat sila ay nais ding ipagptuloy ang pagaaral.Lalo pang naging mahirap dahil limitado at iilan lamang ang maaring makapasa sa pagsusulit na iyon. At akin namang naipasa ang pagsusulit na iyon. Sa ngayon ay nasa ikatlong antas na ako ng pag-aaral sa kolehiyo sa Bulacan State University. At nasa pangkat ng B.I.T. Computer Technology 3a-g2. Mahirap ang mag-aral ngunit akin itong pag-susumikapang matapos upang aking ma-abot ang lahat ng aking pangarap sa aking buhay.

         Sa ngayon ako ay myembro ng Ministry of Usherrette sa Barasoin Church. Madalas akong naninilbihan sa simbahan tuwing linggo sa misa ng 6:00 ng gabi. Madami ding mga bagay ang aming ginagawa at nararanasan dito. Masasaya at di malilimutang karanasan sa aking buhay na dadalin ko habang ako ay nabubuhay.

         Ako si Dona at Ito ang kwento ng aking Buhay..