Biyernes, Oktubre 7, 2011

Ang Kwento ng Aking Buhay..

         Ang aking pangalan ay Donalyn Santos Gatdula. Anak nina Domingo Gatdula at Rosalina Gatdula. Ako ay 18 taong gula,at isinilang noong ika-18 Hulyo, 1993 sa lungson ng Malolos Bulacan. Nakatira sa 214B Umboy St.,San Gabriel, Lungsod ng Malolos, Bulacan. Ikalawa sa tatlong magkakapatid. Ang panganay sa aming magkakapatid ay lalaki, at ang pangalan niya ay Sandy Gatdula siya ay 21 taong gulang at ang bunso naman ay babae at ang kanyang pangalan ay Lovelie Gatdula 14 taong gulang.Pangarap kong makatapos ng pag-aaral at malibot ang buong mundo kasama ang aking pamilya. 

         Nang ako ay apat na taon, ako ay nagumpisa na sa aking pag-aaral sa University of Regina Carmeli noong 1997 bilang isang kinder garden. Masyado pa akong bata ng ako ay magsimulang magaral. Ngunit hindi naging problema ito sa aking pag-aaral.

         Taong 1999 na ako ay umapak sa unang antas ng pag-aaral sa elementarya. May mga patimpalak din ako nasalihan noong ako ay elementarya. Maraming naging kaibigan, Marami din naging kaaway. Ngunit nagkakabati din naman sa bandang huli.Taong 2005 ng ako ay makatapos ng elemtarya.

        Taong 2005 nang ako ay mag-aral ng sekondarya sa Marcelo H. del Pilar National High School.Marami din akong nging maga kaibigan dito. Nang ako ay nasa ikatlong taon sa pag-aaral ng High School ako at iba ko pang mga kaskwela ay nadala sa guadedance dahil hindi pumasok kami sa isa naming Subject ng naka-pangP.E..Ngunit pinagbigyan kami kung magdadala kami ng sulat na may pirma ng magulang kasama ang kanilang ID . At ng nasa ika-apat na taon naman, Ako ay sumali sa C.A.T.,marami masayang karanasan dito at maraming lugar na napuntahan at nakilala dahil dito. Ako din ay naging myembro ng Red Cross Youth Organization sa aming Swelahan. Taong 2009 nang ako ay makatapos ng High School.

       Taong 2009 ng ako ay mag-aral ng Kolehiyo. Ako ay Nakapagtapos ng dalawang taon sa aking kursong Bachelor in Industrial Major in Computer Technology .At akin itong ipinagpatuloy ng dalawa pang taon. Ngunit bago ako makapag-tuloy ng dalawa pang taon sa aking pag-aaral kinailangan ko muna kumuha ng pag-susulit. Hindi naging madali ang prosesong ito dahil maraming mga mag-aaral ang aking nakasabay kumuha ng pagsusulit lahat sila ay nais ding ipagptuloy ang pagaaral.Lalo pang naging mahirap dahil limitado at iilan lamang ang maaring makapasa sa pagsusulit na iyon. At akin namang naipasa ang pagsusulit na iyon. Sa ngayon ay nasa ikatlong antas na ako ng pag-aaral sa kolehiyo sa Bulacan State University. At nasa pangkat ng B.I.T. Computer Technology 3a-g2. Mahirap ang mag-aral ngunit akin itong pag-susumikapang matapos upang aking ma-abot ang lahat ng aking pangarap sa aking buhay.

         Sa ngayon ako ay myembro ng Ministry of Usherrette sa Barasoin Church. Madalas akong naninilbihan sa simbahan tuwing linggo sa misa ng 6:00 ng gabi. Madami ding mga bagay ang aming ginagawa at nararanasan dito. Masasaya at di malilimutang karanasan sa aking buhay na dadalin ko habang ako ay nabubuhay.

         Ako si Dona at Ito ang kwento ng aking Buhay..



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento