Noong unang panahon sa isang liblib na lugar sa kaharian ng barbania may isang pamilya ang tahimik at masayang namumuhay sa gitna ng kagubatan na sakop ng kaharian ng barbania. Masaya at payak ang kanilang pamumuhay ng mag asawang mang lando at aling linda kasama ang kanilang walong anak. Ang pangay nila anak ay lalaki at nagngangalang Simon. Ang pangalawa naman nilang anak at babae at nagngangalang Daria. Halos dalawang taon lamang ang pagitan nila Simon at Daria. Ang sumunod naman kay Daria ay ang Kambal na Daniel at Dennis.Tatlong taon naman ang pagitan ni Daria sa kambal. Makalipas ang apat na taon sumunod namang ipinaganak si Joseph. Makalipas ang isang taon ipinganak naman ang triplets na sina Tea,Bea, at Lea. Bagamat marami ang ank ng mag-asawahindi naman naging mahirap ang kanilang pamumuhay. Si Mang lando ay may sariling sakahan at si Aling Linda naman ay naghahabi ng mga mamahaling tela para sa mga damit ng hari at reyna ng Barbania. May mga alaga din silang mha hayop.Bukod dito nasanay na ang mga anak ng mag-asawa na di magtrabaho at umasa na lamang sa kanilang magulang.Kaya walang alam na trabaho ang mga anak nila Mang Lando at Aling Linda. Lagi lang ang mag-asawa ang nagtratrabaho para sa kanila kahit nasa hustong gulang na ang iba pa nilang mga anak.
Kahit na matanda na ang mag-asawa ay tuloy pa rin ang kanilang pagtratrabaho.Hanggang sa dumating araw na nagkasakit si Mang Lando at hindi nagtagal ay binawian ito ng buhay. Kahit na namatay ang kanilang ama ay di parin nagtrabaho ang mga magkakapatid at tuloy pa rin ang pag-asa nila sa kanilang ina na nag-iisang naghahanap buhay para sa kanila.Hindi na rin nila natataniman ang kanilang sakahan kaya pinasya na lamang ni Aling Linda na ibenta ang lupain maging ang kanilang Bahay at lumipat sa Kabayanan upang maging masmalapit ito sa kanyang trabaho. Pero kahit na nakalipat na sila ay hindi pa rin nag-tratrabaho ang magkakapatid. Noon din any subsob sa trabaho si Aling linda dahil magisa lamang siyang naghahanap buhay sa kanila. Halos pinaguusapan na rin sila sa baryo dahil sa hindi nagtratrabaho ang mga ito kahit nasa hustongt gulang naNgunit hindi nila pinapansin ang mga ito.Hanggang sa dumating na ang araw na pati si Aling Linda ay nagkasakit na rin. Hindi alam ng magkakapatid kung paano nila aalagaan si aling Linda. Ni-hindi nila alam kung paano mag-ayos ng bahay. Hanggang sa naubos na ang lahat ng perang kanilang naitatabi,hindi na rin nilang magawang dalin sa Doktor si Aling Linda dahil sa kawalan nila ng pera. Binibigyan na lamang sila ng mga kapit-bahay nila.Nalaman ng hari ang nangyari kay aling linda,dahil isa ito sa mga paboritong manghahabi ng hari. Kaya agad na nagpadala ang hari ng Doktor sa tirahan nila Aling Linda at nagpadala na rin sila ng mga pagkain para kay Aling linda. Hindi nagtagal ay naubos na rin ang mga pagkaing binigay ng hari. Kaya pinasya ni Simon,panganak na anak ni Aling Linda na magtrabaho pumasok siya bilang kargador sa palasyo.Ngunit hindi nagtagal ay umalis na siya sa trabaho dahil sa sobrang bigat ng trabahong ito. Sumunod namang nagtrabaho si Daria, ang panglawang anak nila Aling Linda.Namasukan siya bilang katulong sa palasyo, at di din nagtagal ay umayaw na siya sa pagtratrabaho dahil sa sobrang hirap. Halos lugbok na sa kahirapang ang kanilang pamilya. Napagdisisyonan ng kambal na sila naman ang magtrabaho. Namasukan silang sa isang malaking kainan sa bayan. Si Daniel bilang taga-dala ng pagkain sa mga kostomer at si Dennis naman bilang tagahugas ng mga pingan. Ngunit pinaalis sila ng may ari dahil si dennis ay madaming nabasag na plato saman talang si Dqaniel naman ay madaming naitapong pagkain.
Bagamat kulang pa ang kanilang sweldo pangbayad sa mga nasira at nasayang nila binigay pa rin ito ng may ari dahil sa awa nito sa magkakapatid. Matapos nito ay halos wala nang makain ang magkakapatid. Pinasya ni Joseph na maghanap ng trabaho ngunit wala siyang mahanap na trabaho dahil hindi sapat ang kanyang mga kakayahan para sa trabahong gusto niya. Ang triplets naman ay wala pa sa hustong gulang para magtrabaho.Kaya patuloy ang paghihirap nila. Wala namang magawa ang hari dahil ganawa na niya ang lahat ng posibleng paraan ngunit ang mga anak lamang ni aling Linda ang hindi tumatangap ng mga tulong na ginagawa ng hari. Sinabi ng hari na walang pag-asang mamuhay ang mga mag-kakapatid kung patuloy silang aasa sa kanilang ina.Gayundin ang mga sinabi ng mga tao at ang kanilang mga kapit bahay. Isang araw hindi na nakita ng mga tao ang magkakapatid maging si Aling Linda. Natagpuan na lamang nila ang isang hindi malamang bagay na animo’y isang makinarya na ginagamit sa isang Bagay. Ang Makinarayang ito ay naghahawak ng mga importanteng bagay na di niya kayang bitawan.Gaya ng isang ina sa kanyang mga anak. Inihalintulad nila ito kay Aling Linda at sa kanyang walong anak na kahit hirap na hirap na si aling Linda ay di niya binitiwan ang kanyang mga anak.Tinawag nila ito Mother Board nasiyang humahawak sa lahat ng importanteng bagay sa isang makinarya.Ito ay ang alamat ng mother board na siyang humahawak sa lahat ng impotanteng bahay sa isang Computer.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento