Biyernes, Oktubre 7, 2011

C.I.C.T. Days..

           Ika-24 ng Agosto ang simula ng C.I.C.T. days. Ito ay tatlong araw na nakalaan para lamang samga mag-aaral ng College of Information and Communication Technology (C.I.C.T.) ng BulSu. Ang layunin ng mga araw na ito ay makapag-aliw mapamalas ng mg C.I.C.T. ang kanilang galing sa larangan ng Sports at iba pang mga patimpalak na tungkol sa kurso nila.At mapag-lapit ang loob ng mga Guro at mga Istudyante.


           Umaga ng Ika-24 ng Agosto ay naruon na ang aming buong klase. Tumulong kami sa mga paghahandang gagawin para sa araw na iyon. Mga mga lalaki na kaklase namin ay tumulong sa pagbubuhat ng mga music system na gagamitin.Kami namang mga babae ay tumulong sa pagaayos ng stage.


           Sa Ganap na alas-3 ng hapon ay simulan na ang programa sa pagparada ng mga istudyanteng lumahok sa iba't ibang kompetisyon na nakatakdang ganapin sa araw na iyon.Ang mga kompetisyon na iyon ay labanan ng mga cosplayer at mga muse. At nung araw ding iyon sinimulan ang parada sa 3rd gate ng Universidad hanggang sa Activity center.


           May mga nag "Cosplay" at may mga Sumali ring mga babae bilang mga "Muse". Kasali ang aming kaklase na si Rhianne Lozano sa mga "Muse". Buong suporta ang binigay ng aming klase sa kanya. Ngunit hindi siya nanalo. Kinabukasan ay nanuod naman kami ng mga laro.Tulad ng Basket Ball.Kasali rin sa larong iyon ang ilan sa mga kaklase naming lalaki.Araw ng Biyernes ay sumali ang kamag-aral naming sina Jay-Ar at FitzGerals sa Networking Competition.Sila ay isa sa mga nanalo.Nag-2nd Place sila sa kompetisyon na iyon.Araw ng Sabado ng ipakilala ang mga nanalo sa mga naging kompetisyon at ibigay ang mga premyo ng mga nanalo.


           Naging masaya ang tatlong araw na ito para sa akin bagamat wala akong sinalihan na kompetisyon, naging masaya ako sa pagsuporta sa mga taong kakilala ko at mas lalo ko pang nakilala ang mga kaklase ko at kung anu ano ang kanilang mga hilig. Hindi ko ito malilimutan at sana ay muling ma-ulit ang mga araw na ito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento