May mag-kaibigan na parehong mahilig sa musika. Ang kanilang pangalan ay Nick at Quinne.Si Nick ay marunong tumugtog ng piano siya din ay tumutugtog sa kanilang paaralan. Si Quinne naman ay isang Choir sa kanilang paaralan. Lagi silang tinutukso sa kanilang paaralan dahil hindi sila naghihiwalay san man sila mag-punta. Isang araw sa Music room ng kanilang paaralan ay tumutugtog ng malungkot na musika si Nick habang si Quinne naman ay tahimik na nakikinig sa kanya.Matapos tumugtok ni Nick tinanong ni Quinne kung bakit malungkot ang musikang tinugtog niya.Ngunit hindi ito sinagot ni Nick.
Isang araw sinugod sa Ospital si Nick dahil sa kanyang sakit na Cancer. Si Quinne naman ay hindi makapag concenrate sa kanyang klase sa pag-aalala kay Nick. Matapos ang klase dali-daling pumunta si Quinne sa Ospital upang bisitahin si Nick. Natuwa si Nick ng makita niya si Quinne. Nag kwentohan ang dalawa na wari'y mo'y kay tagal na di nagkita. Masayang masaya ang dalawa ng biglang pumasok ang Doktor sa silid. Sinabi nito ang resulta sa mga ginawang pagsusuri kay Nick. At binilinan nito si Nick na mas makabubuti sa kanya kung magpapahinga siya ng matagal at manatili siya sa Ospital upang mas maobserbahan siya ng
mabiti ng mga Doktor at ng mga Nurse.
Ngunit Hindi pumayag si Nick na manatili sa Ospital kaya pinilit niya ang kanyang mgamagulang na ilabas siya sa Ospital ngunit hindi pumayag ang kanyang mga magulang. Kaya nanatili pa rin siya sa Ospital. Araw araw naman siyang binibisita ni Quinne pagkatapos ng kanyang klase ay dumidirecho na kagad siya sa Ospital upang dalawin si Nick. Isang araw sa kagustuhan ni Nick na makalabas ay tumakas siya sa Ospital at namasyal. Habang namamasyal siya ay nakakita siya ng isang Music Studio at nagpunta siya dito at tumugtog ng piano. Matapos niyang tumugtog ay napagdisisyonan niyang pumunta sa kanilang paaralan upang
surpresahin si Quinne. Habang nasa daan siya bigla nalang nanikip ang dibdib niya at nawala
ng malay sa daan. Mabilis namang siyang sinugod sa ospital ng mga taong nakakita sa kanya. Nalaman ito ng mga magulang ni Nick at ni Quinne. Mabilis silang sumugod sa Ospital na pinagdalan kay Nick ngunit binawian na ng buhay si Nick. Walang nagawa ang kanyang mga magulang kundi ang umiyak. Si Quinne naman ay hindi makapaniwalang wala na ang kanyang pinaka matalik na kaibigan. mahigit 15 years na magkakilala si Nick at Quinne nasa Kinder Garden palang sila ay magkaibigan na sila dahil mag kasosyo sa kompanya ang kanilang mga pamilya. Kaya ganun nalang ang sakit na nararamdaman ni Quinne nang malamang wala na si Nick. Hindi siya tumugil sa pagiyak at nagsisisi siyang hindi niya sinabi na mahal na mahal niya ito higit pa sa magkaibigan.
Makalipas ang tatlong taon. Pumasok si Quinne sa isang sikat na Unibersidad sa Manila at kumukuha siya ng kursong na Business Management dahil ito ang gusto ng kanyang mga magulang na kuning kurso dahil siya ang magiging tagapagmana ng kanilang kompanya. Sa unang araw ng kanyang klase ay hindi madali para kay Quinne dahil hindi niya kabisado ang paaralan at bukod dito ay napakalaki pa nito. Wala din siyang ganung kilala. Makalipas ang ilang araw ay madami na rin siyang nakilala at naging kaibigan. Isa na rito si Sam. Si Sam ay kanyang kaklase, tulad niya kinukuha lang din ni Sam ang Business Management dahil sa kagustuhan ng kanyang mga magulang. Mas lalo pang nagkalapit sina Sam at Quinne ng pareho silang sumali sa Music Club sa kanilang Unibersidad. At lalong naging interesado si Quinne kay Sam ng malaman niyang tumutugtog ng piano si Sam. Madaling napalagay ang loob ni Quinne kay Sam dahil pareho ng ugali at hilig sina Sam at Nick. Si Sam naman ay nahuhulog na ang loob kay Quinne dahil sa pagiging maalaga at malambing nito at sa pagiging totong tao nito at dahil na rin sa magandang boses nito. Habang tumatagal ang pagsasama ng dalawa lalong nahuhulog ang loob nila sa isa't isa ngunit hindi nila ito sinasabi sa isa't isa dahil natatakot silang baka mag-iwasan sila kung malalaman nila ang totoo nararamdaman nila sa isa't isa.
Araw ng lingo ay nag-simba si Quinne, matapos ang misa ay pumunta si Quinne sa simenteryo kung san nakalibing si Nick. Nagkwento si Quinne sa harap ng puntod ni Nick na para kinakausap niya si Nick na buhay. Nagkwento si Quinne tungkol sa mga nangyayari sa kanyang buhay at sa kanyang paaralan. Gayun din
ang tungkol kay Sam at ng nararamdaman niya para dito. Araw ng Lunes balik eskwela na sila exited pareho
sina Sam at Quinne na makita ang isa't isa. Mabang papasok may naka paskil sa Bullitin Board ng Music Club na may Contest silang sasalihan at magkakaroong meeting lahat ng myembro nito. Ang pagtatanghal na kanilang gagawin ay pagbibidahan ng dalawang tao at ang iba ay magiging back-up singers. Sa meeting, napagdisyonan ng buong grupo na si Sam at Quinne ang magiging bida sa palabas. Araw-araw silang ng pra-praktis para sa kompetisyon. Kahit na abala sa paghahanda hindi pa rin pinapabayaan nila Sam at Quinne ang kanilang pag-aaral.
Araw ng kompetisyo lahat ay kinakabahan lalo na si Quinne. Napansin ni Sam na tila di mapakli at kinakabahan si Quinne kaya nilapitan niya ito at sinabing nasa tabi lang siya nito. Dahil dito ay nabawasa ang kabang nararamdamang kaba ni Quinne. Tinawag na ang kanilang grupo at nagtanghal na din sila. Matapos nito ay sinabi ang mga nanalo bagamat hindi sila ang nanalo at pumangalawa lamang sila ay tuwang tuwa ang buong grupo lalo na sina Quinne at Sam dahil naging maayos at maganda ang kanilang pagtatanghal. Matapos ang kanilang pagtatanghal ay sabay na umuwi sina Sam at Quinne nang nasa tapat na ng gate sina Sam at Quinne ay nagtapat si Sam kay Quinne ng tunay niyang nararamdaman para dito. Sa sobrang gulat ni Quinne ay hindi ito nakasagot kay Sam. "Ok lang kung ayaw mo sakin di mo kailangang piliting mahalin ako" sabi ni Sam kay Quinne na gulat na gulat pa rin. umalis ng malungkot si Sam.
Pumasok si Quinne sa bahay nila at dumerecho sa kwarto niya di pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ni Sam. Habang nakahiga sa kanyang kama ay tila may kumatok sa pinto niya nagulat siya at natakot dahil alam niyang siya na lang ang gising sa bahay nila. Natatakot man ay binuksan niya ang pinto ng kanyng silid at nakitang wala namng tao sa labas at lalong bumilis ang libok ng puso niya ng makita niya si Nick na nakaupo sa kama niya at nakatitig sa kanya. Di siya makapag salita sa nakita niya. Biglang nagsalita si Nick at sinabing "Hindi mo kailangang ipako ang sarili mo sa iyong nakaraan kailanagn mong harapin ang kasalukuyan". Natatakot man ay nagsalita na rin si Quinne. "Nagbalik ka alam mo bang ang dami kong gustong sabihin sayo pero iniwan mo kagad ako". "Alam ko ang nararamdaman mo Quinne pero ito ang naka-tadhana para satin" sagot ni Nick. "I love you ang taging nasambit ni Quinne habang lumuluha at nakatitig kay Nick. "Mahal din kita Quinne di mo lang alam una palang kitang nakita minahal na kita at pingako ko sa sarili ko na wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang" sagot ni Nick. Muling lumuha si Quinne sa mga narinig niya. "Kailangan mong tangapin na wala na ako at mamuhay ng masaya kahit na wala ako sa tabi mo, ituloy mo ang buhay mo at maging masaya" sabi ni Nick. Lumapit si Quinne kay Nick at niyakap ito. Habang magkayakap at unti unting nawawala ni Nick. Muling lumuha si Quinne at ipinagako niyang magiging masaya siya kahit anu pa man ang magyari.
Kinabukasan ay pumasok si Quinne sa Paaralan at pansin niya ay pagiwas ni Sam sa kanya. kaya napagpasyahan niyang kausapin ito pagkatapos ng klase nila. Sa garden ay muling nag usap sina Quinne at Sam. Hindi makatingin ng direcho si Sam kay Quinne at halatang nahihiya ito. Nagtapat si Quinne kay Sam ng tunay niyang nararamdaman para dito. Tuwang tuwa si Sam at halo di makapaniwalang girlfriend na niya si Quinee. Pinagsigawan niya ito sa buong paaralan,naging masaya ang mga kaklase nila gayun din ang mga kasama nila sa Music Club. Ilang taon ang dumaan lalong tumatag ang relasyon nila Sam at Quinne. Isang gabi ay sabay na silang umuwi galing sa Practise sa music club nadaan sila sa isang park, naupo sila sa isang bench at pinagmasdan at buwan. "Masaya ako at tumagal tayo nang ganto" sabi ni Quinee. "Salamat at di ka nagsawang mahalin ako" sabi ni Sam. Napangiti lang si Quinne. Habang nakatingin sa buwan biglang nagsalita si Sam, "Quinne may ipagtatapat ako sa iyo"sabi ni Sam. "Mukhang seryoso ka! bakit ano ba un? pabirong sagot ni Quinne kay Sam. "Ako si Nick ang namatay mong kaibigan at minahal mo" sbi ni Sam. Biglang nagbago ang emosyon ni Quinne, ang ngiti niya ang biglang nagbago at naging seryosong mukha. "Di magandang biro yan Sam" seryosong sagot ni Quinne kay Sam. Habang nakatingin lang sa lagit si Sam at seryoso din ang mukha. "Hindi ako nagbibiro Quinne ako talaga to ako si Nick". Nakatulala at nakatingin ng seryoso si Quinne kay Sam. "Pero,Paano?" Sagot ni Quinne". Nagmakaawa ako kay Lord na ibalik nya ko dahil di ko kayang mahiwalay sayo at pumayag siya na makakabalik ako pero sa ibang katauhan na lamang" Lumuluha si Quinne habang nakikinig kay Sam na noon pa lamang ay si Nick na pala." Binigyan nya lamang ako ng tatlong taon para makasama ka "sabi ni Sam. Lumuluha pa rin si Quinne habang nakikinig at di pa rin makapaniwalang si Nick at Sam ay iisa pala. Lalong tumibay ang pagmamahalan nila Sam at Quinne matapos
ang gabing iyon.
Naging masaya sila sa bawat araw na nagdaan. Hindi na namalayan ni Sam na mayroon na lamang siyang 10 araw para makasama si Quinne. Isa sa binigay na kudisyon sa kanya na bibigyan lamang siya ng 3 taon upang makasama si Quinne. Habang dumadaan ang mga araw naging masaya ang dalawa hangang sa naging 3 araw na lang ang natitira para kay Sam upang makasama si Quinne. Sa nalalabing 1 araw napagdesyonan silang pumunta sa isang resort upang magbakasyon. Lingid sa kaalaman ni Sam iyon na ang huling araw na ibinigay sa kanya upang makasama si Quinne at kailangan na niyang bumalik sa langit. Napansin ng panginoon ang labis na pagmamahalan nila Sam at Quinne na kahit kamatayan ay tatakasan magkasama lang silang muli. Habang nasa biyahe papunta sa resort ay masayang masaya sina Sam at Quinne habang nag kakantahan. Di nila nakita ang isang 10-wheeler truck na nawalan ng preno at babangga sa kanila. Huli na ng mailiko nila ito. Bumanga sila sa truck at wala sa kanilang dalawa ang nakaligtas.
The End...